Una sa Balita

ABS-CBN pinarangalan sa ‘PH Best Employer Brand Awards’

0 208

Muling hinirang ang ABS-CBN bilang isa sa natatanging mga kompanya sa Philippine Best Employer Brand Awards dahil sa husay nito sa pa-ngangalaga sa mga empleyado.

Sa ikalawang sunod na taon, pinarangalan ng Employer Branding Institute ang Kapamil-ya network dahil sa maganda nitong pasweldo, benepisyo, at oportunidad para sa mga empleyado nito, kaya naman marami ang gustong magtrabaho rito.
Dadagdag ang award na ito sa iba pang pagkilalang natanggap ng ABS-CBN para sa pagiging mahusay na employer. Noong 2018, nasama rin ang Kapamil-ya network sa “Best Companies to Work For in Asia” ng HR Asia. Noong 2011, pinarangalan din ang ABS-CBN sa “Asia’s Best Employer Brand Awards” na ginanap sa Singapore. Ilang beses din itong napasama sa “Jobstreet’s Top Companies that Employees Aspire to Work For list.”
Tinanggap ni Paulo Tatad, ang head ng recruitment marketing at sour-cing ng ABS-CBN, ang parangal sa ginanap na seremonya ng Employer Brand Institute sa Dusit Thani Manila sa Makati, kung saan ginawaran din ang ibang kompanyang nakapagbibigay ng maayos na karanasan sa trabaho sa kanilang mga empleyado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy