Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN patok sa Southeast Asia: Coco, Vice, Kim pinakatinututukan sa YouTube

0 195

Ang ABS-CBN Entertainment ang nangungunang YouTube channel sa buong Southeast Asia na nagtala ng pinakamaraming subscriber, view, sa lahat ng mga channel sa rehiyon.

Nitong Pebrero ay umabot sa 32.7 milyong subscriber at higit sa 43 bilyong views ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

“Patuloy kaming gagawa ng mga kwento at karanasang nagbibigay ng saya at inspirasyon at maghahanap pa ng mga paraan para maabot at mapaglingkuran ang aming mga Kapamilya,” sabi ni Cory Vidanes, chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN.

Marami pang aabangang bagong palabas ang subscribers ng channel ngayong taon, sa pagdating ng mga teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” “La Vida Lena,” Tagalized episodes ng “Count Your Lucky Stars” ni Jerry Yan, “Init sa Magdamag,” at “Almost Paradise,” ang pinakaunang American TV series na kinunan sa Pilipinas at co-produced ng ABS-CBN.

Mapapanood ang lahat ng ito sa Kapamilya Online Live.

“Malaking bahagi ng tagumpay ng aming YouTube channel ang Kapamilya Online Live dahil doon umaasa ang ating mga Kapamilya na hindi kami napapanood sa TV.” ayon kay Richard Reynante, ABS-CBN digital content publishing head.

Ilan sa mga pinakatinututukang programa sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” ni Coco Martin, “Ang Sa Iyo Ay Akin,” ni Jodi. Sta. Maria at “It’s Showtime,” nina Vice Ganda, Vhong, Kim, ayon pa kay Reynante.

Namamayagpag din ang ibang YouTube channels ng ABS-CBN gaya ng ABS-CBN News (11.8 milyong subscribers at 7.4 bilyong views), Star Music (6.2 milyong subscribers at 2.5 bilyong views), “Pinoy Big Brother” (4.2 milyong subscribers at 2.3 bilyong views), Star Cinema (4 milyong subscribers at 1.2 bilyong views), “The Voice Kids Philippines” (2.6 milyong subscribers at 1.4 bilyong views), at The Squad Plus (2.8 milyong subscribers at 245 milyong views). (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.