Una sa Balita

ABS-CBN papasok sa negosyo ng cosmetics

By
0 321

PAPASOK na ang ABS-CBN ng mga Lopez sa negosyo ng pampaganda o cosmetics.

Makikipag-ugnayan ang TV network sa Ever Bilena Cosmetics Inc. para bumuo ng joint venture na 50/50 ang hatian.
Inaprubahan na ng Board of Directors ng ABS-CBN ang panukala nitong Huwebes.

Popondohan ng ABS-CBN ng P1.25 milyon ang joint venture company sa simula.

Plano ng ABS-CBN at Ever Bilena na masimulan ang negosyo sa loob ng 54 hanggang 76 weeks o pagdating ng second half ng 2020.

Napagkasunduan na rin nila ang timetable para makumpleto ang mga kailangan tulad ng pagkuha ng lisensiya sa Food and Drug Administration (FDA) pati na sa pagkuha ng mga import permit sa Bureau of Customs (BOC).

Layunin ng joint venture na magbenta ng mura at de-kalidad na mga cosmetic product sa mga consumer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy