Una sa Balita

ABS-CBN namayagpag Metro Manila

0 274

ABS-CBN pa rin ang nangungunang TV network sa bansa pagdating sa paghahatid ng makabuluhang balita at kuwenton­g puno ng aral matapos nitong magkamit ng averag­e audience share na 44%, o labing-isang puntos na lamang kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nanguna sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 42%, kumpara sa 28% ng GMA. Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39%, laban sa 37% ng GMA; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 51% at tinalo ang 26% ng GMA; at sa Total Mindanao sa pagkamit nito ng 53% kontra sa 26% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Namayagpag pa rin ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano­’ (42.8%) noong Hulyo, na sinundan naman ng ‘Your Face Sounds Familiar Kids’ (32.8%).

Patok din sa top ten ang ‘TV Patrol’ (30.7%), ‘Bagani’ (29.3%), ‘MMK’ (28.6%), ‘Wansapanataym’ (25.2%), ‘Home Sweetie Home’ (23.5%), at ‘Rated K’ (20.4%).

Samantala, ABS-CBN din ang pinakatinutukang network sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47%, o 14 puntos na lamang sa 33% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Panalo din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39%, kumpara sa 30% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 43% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 42% at tinalo ang 36% ng GMA.