Una sa Balita

ABS-CBN iregular ang 11K empleyado — ACT-CIS

0 489

Hinamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na i-regular ang 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para ­patunayan na pinapangalagaan nito ang ­kapakanan ng kanilang mga trabahador.

Ito ang pahayag ni Cong. Yap kasunod ng mga isyu na kinakaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

“Hinihikayat natin ang ABS-CBN na panindigan at patunayan na sila ay tunay na “In the Service of the Filipino,” sa pamamagitan ng pag-regular sa ­11,000 empleyado nila,” ayon kay Yap.

Nabatid na karamihan sa 11,000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status.

Pinababayaran din ang l back pay at iba pang ­benepisyo ng may 120 empleyado na diumano’y ­iligal na tinanggal noong 2010 at hanggang ­ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang ­karapatan sa korte.

“Kung totoong kapakanan ng tao ang iniisip ng ABS-CBN, bakit hindi nila unahin ang karapatan ng mga empleyado nila at ipakita na seryoso sila sa ­sinasabing serbisyo para sa Filipino,” dagdag ni Yap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More