Una sa Balita

ABS-CBN hindi natibag: ‘Ang Probinsyano’ #1 teleserye

0 969

Waging-wagi pa rin ang ABS-CBN bilang pinakapinanood na network noong 2018. Nagkamit nga ito ng average audience share na 45%, o 13 puntos na lamang kumpara sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Buong taon na tinutukan sa bawat sulok ng bansa ang ABS-CBN, partikular na sa Mega Manila sa pagtala nito ng average audience share na 36%, kontra sa 34% ng GMA, at maging sa Metro Manila sa pagrehistro nito ng 42%, laban sa 26% ng GMA. Nanguna rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 40%, kumpara sa 35% ng GMA; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 53%, kontra sa 26% ng GMA; at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 52%, laban sa 28% ng GMA.

16 sa palabas nito ang nakapasok sa top 20, na pinangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (41.2%).

Kasama rin sa listahan ang “Pilipinas Got Talent” (38.1%), “Your Face Sounds Familiar Kids” (33.3%), “Bagani” (31.8%), “La Luna Sangre” (31.4%), “TV Patrol” (30.5%), “Ngayon at Kailanman” (28.8%), “MMK 25” (27.2%), at “The Kids’ Choice” (26.2%). Nanguna rin noong 2018 ang “Wansapanataym” (25.7%), “Home Sweetie Home Walang Kapares” (23.4%), “Wildflower” (23.3%), “Home Sweetie Home” (23.2%), “Halik” (22%), “Meteor Garden” (21.6%), at “Rated K” (19.8%).

Samantala, tinutukan din ang ABS-CBN sa bawat time blocks noong 2018, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng 49%, o 17 puntos na lamang sa 32% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pili­pino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng mga advertiser ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumer.

Panalo rin ang Kapamilya network mula Enero hanggang Disyembre sa morning block (6AM-12NN) sa pagrehistro nito ng average audience share na 38%, laban sa 30% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) sa pagkamit nito ng 44%, kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagtala nito ng 43%, at tinalo ang 35% ng GMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy