Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN hinamon: Bea, Julia pagsamahin sa seryeng ‘Doctor Foster’

0 142

Sobrang ingay agad-agad ng gagawing serye ng ABS-CBN ang BBC’s award-winning drama na “Doctor Foster” na nagkaroon nga ng version sa South Korea, na “The World of the Married”.

“It truly is an honour to know that Doctor Foster will be coming to life in the Philippines under the extraordinary creative team at ABS-CBN Entertainment. I am confident this will be a hit among the Filipino audiences,” sabi ni André Renaud, SVP Format Sales, BBC Studios.

Well, kanya-kanyang manok ang mga fan kung sino sa tingin nila ang mas bagay na gumanap sa mga papel na legal na sawa at kabit.

May mga bet na sina Judy Ann Santos at Charlie Dizon ang kunin. Meron ding bumoto para kina Juday at Janine Gutierrez.

Meron ding nagsabi na keri rin nina Iza Calzado at Kim Chiu. May mga nagpahaging rin na bagay kina Julia Montes at Nadine Lustre.

Pero, panalo sa lahat ang tandem na naisip ng mga fan, Bea Alonzo at Julia Barretto.

“Kung matapang kayo ABS-CBN! Petition to make Bea Alonzo to be the wife and Julia Barretto will be the mistress!” sabi nila.

Yes, lamang na lamang nga nga ang Bea-Julia tandem, ha, na sa mga unang oras pa lang, humamig na agad ng mahigit 8K reaksiyon sa mga netizen, kumpara sa iba na hindi pa umabot ng 1K.

Binalikan din ng mga netizen ang araw na ikinuwento ni Julia na gusto niyang gumanap bilang kabit, na tulad nga ng role sa Korean Drama na ‘The World of a Married Couple’.

“The World of A Married Couple if you guys have seen that. That’s one of the best in the world. I wanna do something like that. But i wanna be Da Kyung (Denise),” sabi ni Julia sa isang interview noon.

Anyway, heto nga ang mga nakakalokang reaksiyon ng mga fan:

“Hala! You deserve this role! Baka dito ka pa maging best actress! Go Julia! Deserve mo talaga promise!” sabi ni Jennifer.

“Ang lutong siguro noong sampal, pag nagkataon. At baka ‘yung imagination ng female lead na pagsaksak sa male lead, maging totoong buhay!” sabi ni Maricar.

Pero marami rin ang umaayaw, dahil hindi raw nila bet na mapahamak pa si Bea, na nananahimik na nga raw ngayon.

“Effortless masyado yung role for Julia!” sigaw ni Hermie.

“Naku ipapahamak niyo pa si Bea pag nagkataon ‘di makapagpigil sa eksena ‘yang mga ‘yan mauwi sa rumble in the bronx for real at siyempre susugod agad ‘yung boong angkan at pagtulongan si beautiful Bea, wag naman maawa kayo!” say ni Ruby.

Well, suntok sa buwan, o malabong mangyari nga ang dream cast na ito, na kasama pa si Gerald Anderson. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.