Una sa Balita

ABS-CBN, GMA sumiklab ang giyera sa 11:11

0 912

Nahawa sa network war ang dalawang online shopping sites sa social media. Aba, may kanya-kanya silang TV special last Sunday at umere ito nang halos sabay ang oras sa magkalabang TV station, huh!

Mas malaking mga celebrity nga lang ang mga endorser ng isa dahil nandoon sina Senator Manny Pacquaio at music icon na si Jose Mari Chan, huh!

Kasama rin nila si Maine Mendoza at ilang Kapuso stars.

Mahigpitan din ang kumpetisyon ng dalawa. May pakulong discount sa mga branded product offer nila sa buyers.

Sa coming holidays, bakbakan tiyak ang magkalaban na shopping sites dahil karamihan ng mga Pinoy ay namimili na sa online para iwas sa December rush, huh!

Kaloka, iba ang hatid ng 11:11 sa ABS-CBN at GMA, ha!

Allen Dizon eeksena sa Kolkata Int’l Film Fest

Dalawang pelikula ng international award-winning actor na si Allen Dizon ang magkakaroon ng world premiere sa 25th Kolkata International Film Festival simula sa November 13.

Ito ay ang mga pelikulang “Latay (Battered Husband)” na produced ng BG Films International ni Baby Go at ang “Mindanao” ng Centerstage Productions na dinirek ni Brillante Mendoza.

Kapareha ni Allen sa “Latay” si Lovi Poe habang si Judy Ann Santos ang kasama niya sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Mindanao”.

Bago umalis, dumalo si Allen sa 3rd Diamond Golden Awards Night sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, Pasig City last Sunday.

Ang event ay brainchild ni Madame Baby bilang bahagi ng kanyang PC Good Heart Foundation. Kahit loaded bilang movie producer, tumutulong din siya sa mga kababayan natin para sa heath care nila.

Ilan sa awardees ay sina Kyline Alcantra, Derrick Monasterio (na inirampa ang isang magandang girl na dyowa nga niya), TV journalist na si Lhar Santiago at iba pang taga-gobyerno gaya ni Senator Bong Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy