Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN gigil isara

0 522

Kinolekta ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga ebidensya ng mga pangako ni House Speaker Alan Peter Cayetano tungkol sa ABS-CBN franchise, kung saan sa isang press conference ay sinabi na kung hindi makalusot ang franchise renewal ng network ay may gusto talagang magpasara dito.

“Wala pa akong narinig na endangered ang ABS na isara. At wala talagang dahilan. So meaning, after all of these hearings at isara, e ibig sabihin, gusto talaga kayong isara,” saad ni Cayetano sa kanyang panayam sa mga reporter noong Marso.

Bukod pa dito, binalikan din ni Trillanes ang ilang siniguro ni Cayetano na magpapatuloy sa pag-ere ang ABS-CBN.

May sinabi rin ang House Speaker noong Pebrero na “Kung kailangan physically, ako mag-on ng transmitter o pumunta dun, gagawin ko ‘yan … dahil hindi naman tayo papayag that there’ll be a single minute na hindi nagbo-broadcast ang ABS-CBN.”

Abril naman ilang araw bago mapaso ang prangkisa ng Kapamilya network ay sinabi ni Cayetano na “there is abolutely no reason na isara ang ABS” at “wala pong move na isara ang ABS-CBN”.

Sa botohan ng House Committee on Legislative Franchises noong nakaraang linggo, 70 kongresista ang pumabor na huwag bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network kontra sa 11 mambabatas na kontra sa pagsasara ng ABS-CBN.

Matapos ang botohan ay sinabi ni Cayetano sa madla na basahin at irespeto ang tindig ng naturang komite hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.