Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN employees nagbarikada sa Batasang Pambansa

0 368

Nagbarikada at nagsagawa ng programa ang mga empleyado ng giant network na ABS-CBN dahil sa inaasahang botohan ng mga kongresista sa renewal ng kanilang prangkisa sa main gate ng Batasang Pambansa sa Quezon City, nitong Huwebes.

Ito ay upang ipanawagan sa mga mambabatas na payagan ang renewal ng kanilang prangkisa upang hindi mawalan ng trabaho ang umaabot sa 11,000 mga empleyado.

Mula sa Sgt. Esguerra Diliman Quezon City kung nasaan ang istasyon ng Channel 2, nag-caravan ang tinatayang 200 empleyado ng network patungong Batasan Pambansa.

May mga nakasabit na lobo at ribbon ang mga sasakyan na may mga kulay asul, berde at pula na sumisimbolo sa kulay ng kanilang kompanya.

Sinabi ni John Ibañez, senior reporter ng DZMM at Vice President ng Supervisory Union ng kompanya, inaasaan nilang papabor ang mas nakararaming kongresista dahil paiiralin ng mga ito ang kanilang konsensya lalo pa’t naipaliwanag naman ng mga executives ng Channel 2 ang mga isyung ipinupukol sa kanila.

Ngayong araw ang inaasahang botohan sa prangkisa ng ABS-CBN pero dahil hindi pa tapos ang ‘summation’ o pagbubuod ng komite ay posibleng maantala ito hanggang bukas (July10).

Samantala, hindi naman umano naniniwala si Ibañez sa ibinunyag ni ACT CIS Party List Cong. Eric Yap na may emisaryo ang kanilang kompanya para mag-alok ng P200 million kapalit ng pagpabor sa prangkisa ng ABS-CBN. (Dolly B. Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.