Una sa Balita

ABS-CBN bigo sa panunulot kay Maine

0 1,379

abante-i-know-better-jun-nardoPinabulaanan ni Rams David, mana­ger ni Maine Mendoza at president ng Triple AAA management, ang kumalat na tsismis na tinanggal na si Meng sa “Eat Bulaga.”

Wala mang pa-ngalang binanggit si Rams sa post niya. Naghuhumiyaw ang shout-out niya nu’ng Huwebes nang gabi na, “Kesyo suspended, tinanggal at lumipat. Wala pong totoo kahit ano po dyan. #lovelivelove mga Beshie.”

Sa totoo lang, upda­ted si Ateng Rams (tawag sa kanya) sa mga banat kay Meng lalo na nu’ng inilabas ng huli na nagdi-date sila ni Arjo Atayde. Feeling nga niya, may isang netizen na tagatahi ng mga kuwento laban kay Maine.

Eh hindi man nakasipot sa “Eat Bulaga” last Tuesday ang ar­tist mula nu’ng mangga­ling sa Taiwan, eh inisip na agad na sinibak na siya sa prog­rama, huh! Mababaw na rason ang hindi pagpasok sa “EB” para tanggalin siya.

Basta si Maine, inilabas niya sa kanyang Twitter ang taping ng summer ng “Daddy’s Gurl.” Nakakapagtaka lang kung sino ang pinatatamaan niya sa tweet niyang, “Lol bakit ang hilig niyo mag-edit ng ‘resibo’? Damay niyo pa sina Patchypie at Mam Sheila. ‘Don’t us’ din ho.”

Sina Patchypie at Sheila ay staff ng Bulaga. Sila ang madalas kasa-kasama ni Meng nu’ng nagsisimula pa lang siya bilang Yaya Dub.

Anyway, malabo ngang maging Kapamil­ya si Maine, na siyang wish ng ibang inggit sa “Eat Bulaga,” ha!

Teddy Corpuz type ng mga beki dahil dako

M ixed emotions ang naramdaman ni Teddy Corpuz, ang lead vocalist ng bandang Rocksteddy, nang piliin siya ni Direk Alex Calleja na magbida sa Regal comedy film na “Papa Pogi.”
“May kaba, excitement at hesitation kung kukunin ko. Halu-halo ang emotions pati na rin ang current situation ng films sa Philippines.

“Parang ngayon, walang formula sa mo­vies kahit sa indie films. Hindi mo alam kung maghi-hit siya. Hindi mo alam kung papatok siya o hindi.

“So ‘yun ang naram­daman ko rin nu’ng nalaman ko na ako ang magbibida. Honestly, matagal na rin akong hindi umaakting. Nasa kabilang istasyon pa ako nu’ng umaakting,” pahayag ni Teddy sa mediacon ng movie.

Naging bahagi ng sitcom na “Idol Ko Si Kap” ni Bong Revilla si Teddy at naging bahagi siya ng “Sugo” ni Richard Gutierrez. Tumigil siya sa pag-arte para mag-concentrate sa banda niyang Rocksteddy.

Anyway, the gifted nga ang tawag kay Teddy ngayon, kaya naman type rin siya ng mga bakla, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy