Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN bayaran n`yo atraso sa tax – Duterte

0 282

Tinuldukan kaagad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asa ng pamilya Lopez na makabalik sa operasyon ang ABS-CBN kahit pa mabigyan ng panibagong prangkisa ng Kongreso.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagang mag-operate ang tv network kahit pa makakuha ng panibagong prangkisa hangga’t hindi aniya nababayaran ang mga obligasyon nito sa buwis.

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa mandato ng Kongreso ang pagkakaloob ng prangkisa subalit hindi niya papayagan ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng permit ang ABS-CBN hangga’t hindi naaayos ang atraso nito sa gobyerno

Kapag pinagbigyan aniya nito ang mga Lopez ay para na ring binigyan pa ng premyo ang mga ito sa paggawa ng criminal act.

“I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan `yan,” dagdag ng Pangulo.

Binanggit pa ng Pangulo ang malaking utang umano ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP) na kalaunan ay hindi na binayaran at may iba pang mga transaksiyon sa nabanggit na bangko na dapat makalkal ng husto.

Sinabi ni Pangulong Duterte na may sinimulang imbestigasyon ang Kongreso hinggil sa utang ng mga Lopez sa DBP subalit hindi na natuloy pa ito.

“There were so many investigations about banking except that pagdating sa mga Lopez, huminto ang Kongreso. So nagkakaroon tayo ng problema diyan. Ang magawa ko lang nito is I’ll pass it on to the Ombudsman,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.