Una sa Balita

Abra nilindol

By
0 4

CORDILLERA — Naitala ang tatlong magkakasunod na insidente ng lindol sa rehiyong ito kahapon ng mada­ling-araw.

Batay sa impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS), naitala ang unang pagyanig na umabot sa Magnitude 3.6 sa Bontoc, Mt. Province dakong alas-2:53 ng madaling-araw.

Sinundan ito ng Magnitude 2.2 na lindol na ‘tectonic in origin’ sa Tubo, Abra ganap na alas-3:30 ng mada­ling-araw habang naitala ang ikatlong pagyanig na pumalo sa Magnitude 2.1 sa Besao, Mt. Province ganap na alas-6:29 ng umaga.

Wala namang naita­lang nasira dahil sa mga nasabing serye ng pagyanig at hindi na sinundan pa ng anumang aftershocks.

Naghahanda naman na ang mga taga-Cordillera dahil sa July 16 ng taong ito ay gugunitain ang ika-27 anibersaryo ng 1990 killer quake na kumitil ng libong katao dito.