Una sa Balita

Abot-kayang internship ilalaban ni Sen Bam

By
0 436

PAGKATAPOS isulong ang batas sa libreng kolehiyo, nangako si re-electionist Sen. Bam ­Aquino na hahanapan din ng solusyon ang mataas na gastos sa internship ng ga-­graduate na estud­yante sa kolehiyo.

Sa kanyang paki­ki­pag-usap sa mga estudyante sa Ozamiz City, sinabi ni Sen. Bam na isa ito sa mga una niyang ti­tingnan kapag nakakuha ng ikalawang termino sa Senado.

“Iyong mga on-the-job fee, lalo na sa kursong HRM at nur­sing, napakataas talaga. Binabayaran kasi ito hindi sa school ngunit sa third party. Isasama namin ito sa mga gagawin natin sa Senado,” wika ni Sen. Bam, ang principal sponsor ng batas sa libreng kolehiyo.

Ayon kay Sen. Bam, tinalakay niya ang isyu ng libreng internship sa Commission on Higher Education (CHED) noong budget hearing ng ahensiya.

“Ang gusto ko sana, although hindi pa ito implemented, may internships na libre. Choice na ng estudyante kung gusto nila ‘yung internships na mas mahal sa ibang bansa,” paliwanag pa ni Sen. Bam.

Kapag nakabalik sa Senado, sinabi ni Sen. Bam na gagawa siya ng panukala na magtatakda ng libre o abot-kayang internship para sa pri­bado at pampublikong paaralan.

Aniya, sayang naman ang libreng kolehiyo kung malaki naman ang gagastusin ng isang estudyante pagdating sa internship.

“Libre na ang tuition at may scholarships pa, pero kung mahal naman ang internship, hindi natutupad ang pangako ng abot-kayang pagtatapos,” paliwanag ni Sen. Bam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy