Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abortion sa US, di na ubra

0 171

Sarado na ngayon ang mga abortion clinic sa Amerika nang idineklara ng United States Supreme Court na bawal na ang abortion sa nasabing bansa.

Nabatid na lima ang pumabor sa siyam na hukom sa Supreme Court, sa desisyong ipagbawal na ang pagpapalaglag habang tatlo lang ang kumontra rito.

Binaligtad ng USSC ang desisyong Roe vs Wade ng ginawa ng pito laban sa dalawang Hukom noong 1973 na nagsasabing protektado ng Konstitusyon ng US ang karapatan ng mga babae na magpa-abort.

Ang nasabing desisyon noong 1973 ang nagbigay sa kababaihan ng walang rendang karapatan sa pagpapalaglag ng kanilang ipinagbubuntis.

Sa lumang desisyon ay may kumpas nang pagpapalaglag sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, kontroladong pagpapalaglag sa ikalawang tatlong buwang pagbubuntis ngunit bawal na sa ika-anim hanggang sa bago ang panganganak.

Pinairal naman ng ilang estado mula sa 52 estado ng Amerika ang tinatawag na trigger law o instant ban o agarang pagbabawal ng aborsyon. Makaraang lumabas sa online news ang bagong desisyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.