Una sa Balita

Abolisyon ng SK, umani ng suporta

By ,
0 4

Umani ng suporta ang plano ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na buwagin na nang tuluyan ang Sangguniang Kabataan (SK) dahil wala naman umanong naitutulong ang mga ito sa kanilang barangay.

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, sinusuportahan ng Eastern Visayas bloc sa Kamara ang planong ito ni Alvarez subalit tahimik ang mga ito kung pabor o hindi ang mga ito na buwagin din ang barangay kagawad na itinutulak din ng House Speaker.

“I fully support the a­bolition of SK. SK has not really contribu­ted to the development of the communities and the youth sector,” ani Evardone sa isang text message sa mga mamamahayag kahapon.

Sinabi ng mambabatas na hindi ang SK ang paraan upang mahubog ang mga kabataan na maging susunod na lider ng bansa dahil maagang nagagamit ang mga ito ng mga pulitiko sa kanilang lugar.

“SK candidates are also handpick of barangay captains, mayors, governors and congressmen. There should be other mechanisms where the voice of the youth should be heard, and on how to harness their talents,” ayon pay Evardone.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Senador Bam Aquino na isang malinaw na pagpigil sa bagong henerasyon ng mga kabataan na mahubog bilang mga bagong bayani ng bansa ang planong pagpapaliban ng SK elections.