Una sa Balita

Abogadong Pinoy naluklok na MP sa New Zealand

0 243

SA kauna-unahang pagkakataon isang Filipino lawyer, ang nanumpa bilang member of Parliament (MP) sa New Zealand National Party.

Si Atty. Paolo Garcia na nanumpa sa tungkulin nito lamang Mayo 21 ang kauna-unahang pagkakataon na isang Pinoy ang naluklok sa nasabing tanggapan.

Dahil sa pagiging MP, magiging miyembro si Garcia ng Foreign Affairs, Defence at Trade committee.

Ikinatuwa naman ng Filipino community sa New Zealand ang pagkakaluklok kay MP Paulo Garcia.

Bukod sa pagiging abogado, isa ring community at church leader si Garcia at dating Consul-General ng Pilipinas sa Auckland.

Bago nag-migrate sa New Zealand ay nag-practice ng law si Garcia matapos na gumraduate sa University of the Philippines. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy