Una sa Balita

Abogadong nagpanggap na senior citizen sinipa ng SC

0 487

Sinipa ng Supreme Court (SC) ang isang abogado matapos nitong magpalsipika ng mga detalye ng kanyang anak sa birth certificate at hindi suportahan ang kanyang menor de edad na anak.

Napatunayan ng High Court En Banc na si Atty. Amador B. Peleo III ay guilty sa gross unlawful, dishonest at deceitful conduct na paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 ng Code of Professional Responsibility.

Ipinatanggal na rin ng SC sa Roll of Attorneys ang kanyang pangalan.

Nag-ugat ang kaso laban kay Peleo noong 2011 matapos na magreklamo si Marife Venzon, kung saan may anak na lalaki dito si Peleo.

Nabatid na pinagbasehan ng SC sa pag-disbar kag Peleo ay ang pagkakaroon nito ng sexual relation kay Marife kahit siya ay may legal na asawa; pinalsipika nito ang detalye ng birth certificate ng kanyang anak kung saan inilagay nito na ligal siyang kasal kay Marife; at paulit-ulit na hindi pagbibigay ng suporta sa kanyang menor de edad na anak; ang hindi seryosong paghahain nito ng petition for annulment sa ligal niyang asawa.

Bukod pa rito, ang patuloy niyang pag-avail ng benepisyo ng isang senior citizen, gayun hindi pa siya senior citizen.

Ang mga ginawa ni Peleo ay isa umanong seryosong kawalan ng paggalang sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

“Indeed, public confidence in law and lawyers may be eroded by the irresponsible and improper conduct of a member of the Bar. Hence, every lawyer is duty bound to act and comport himself or herself in such a manner that would promote public confidence in the inte­grity of the legal profession. Respondent’s conduct does not help in that regard, but worse, directly encourages people to entertain themselves with jokes about lawyers and the legal profession as the butt of their unflattering jokes,” ayon sa SC. (Nancy Carvajal/Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy