Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abogadong legal chief ng PNP positibo sa droga

0 121

Inaayos na ang dismissal proceedings sa isang abugadong non-uniformed personnel (NUP) ng Philippine National Police (PNP) matapos itong magpositibo sa paggamit ng shabu sa isinagawang random drug test ayon kay PNP chief General Debold Sinas.

Agad ipinag-utos ni Sinas ang pagkakasibak ni Atty. Efren Garcia II, hepe ng Legal Affairs Division ng Regional Affairs Service 3, matapos magpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang random drug test noong Pebrero 24.

Si Garcia ay sasailalim sa pre charge investigation at summary proceedings sa kasong grave misconduct matapos magpositibo ang kanyang urine specimen sa paggamit ng methamphetamine sa screening at confirmatory drug testing.

Nauna ng ipinag-utos ni Sinas ang sorpresang drug test sa lahat ng mga police personnel bilang bahagi ng internal cleansing program ng PNP. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.