Una sa Balita

Abogado tinodas sa Dagupan Hall of Justice

0 222

PATAY ang isang abogado matapos itong pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa harapan ng Hall of Justice ng Dagupan City, Pangasinan kahapon nang umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Atty. Val Crisostomo, legal counsel ng Peryahan ng Bayan at residente ng bayan ng Manaoag ng lalawigan.

Ayon kay Police Colonel Wilson Joseph Lopez, Pangasinan Police Provincial Director, dakong alas-9:15 nang umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng Hall of Justice ng Dagupan City sa Brgy. Bonuan ng lungsod na ito.

Nabatid na nakatayo ang biktima sa lugar dahil kakatapos lang ng dinaluhang hearing nang lapitan ito ng isang hindi pa kilalang lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket at kulay asul na helmet at ilang ulit na pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa naghihintay na motorsiklo hindi kalayuan sa lugar na minamaneho ng isa pang suspek.

Sinubukan pang isugod ang abogado sa Region 1 Medical Center subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Ayon kay Col. Lopez, isa sa tinitingnan nilang anggulo ay ang hinahawakang kaso ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng insidente. ­(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy