Una sa Balita

Abogado ni Trump, tumuga sa $130,000 bayad sa porn star

0 1,838

Inamin ng abogado ni US President Donald Trump na nagbayad siya ng $130,000 mula sa kanyang bulsa sa isang porn star na umano’y nakatalik ng Pangulo bago ito naupo sa puwesto.

“In a private transaction in 2016, I used my own personal funds to facilitate a payment of $130,000 to Ms. Stephanie Clifford,” ayon sa statement ng abogadong si Michael Cohen.

“Neither the Trump Organization nor the Trump campaign was a party to the transaction with Ms. Clifford, and neither reimbursed me for the payment, either directly or indirectly.”

Sa report ng Wall Street Journal noong Enero, ilang linggo bago ang presidential elections noong 2016, lumikha umano si Cohen ng isang pribadong LLC o Limited liability company upang mabayaran si Clifford, kilala rin bilang si Stormy Da­niels sa porn industry, upang manahimik lang ito sa sexual encounter nila ni Trump noong Hulyo 2006.

Sa kabila ng pag-amin ni Cohen na binayaran niya si Clifford, itinanggi pa rin ng abugado na nakipagtalik si Trump sa nasabing porn star.