Una sa Balita

Abogado nahulihan ng baril, bala sa checkpoint

0 459

KALABOSO ang isang abogado makaraang makuhanan ng iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril na walang lisensya sa isang checkpoint sa Imus, Cavite kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na si Atty. Ma­nuel Cobia, 72, ng Bayan Luma 2, nakuha sa kanya ang isang M-16 armalite rifle; 2 sub machine guns; 5.56 armalite rifle; ingram machine pistol; kalibre .45, 9mm at .38 kalibre ng baril, mga magazine at mga bala ng nasabing baril na pawang mga walang lisensya.

Sa ulat, naaresto ang suspek dakong ala-1:30 nang madaling-araw sa isinagawang checkpoint ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group at Imus Municipal Police Station sa kahabaan ng Tamzui Ave­nue.

Nabatid na lulan ng Innova ang suspek na may plakang ZAX 460 nang dumaan sa nasabing checkpoint.

Sa ginawang visual search, nadiskubre ang isang maikling kalibre ng baril kaya tinanong ng pulis ang suspek kung may kaukulang papeles ito subalit walang maipakita ang abogado.

Batay sa suspek, may humiram umano ng kotse nito at hindi niya alam na may mga baril sa compartment ng kanyang sasakyan.

Kasong pag­labag sa PD 1866 ammended by RA 10591 ang isasampang kaso laban sa suspek na nabatid na asawa umano ng pamangkin ni Senator-elect Ramon ‘Bong’ Revilla. (Gene Adsuara/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy