Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abogado, mister itinumba sa Davao

0 34

Patay ang isang babaeng abogado at mister nito matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa labas ng kanilang bahay sa Davao City, Miyerkules ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa Southern Philippines Medical Center ang mag-asawang sina Atty. Sitti Gilda Mahinay Sapie at mister na si Muhaimen Mohammad Sapie, host ng radio program na “Justice Redeemer”, isang online free legal advise program na iniere tuwing alas-3:00 – alas-5:00 ng hapon sa 94.7 Power Radio Davao (DXLL).

Natutulungan ng programa ng mag-asawa ang mga kasong may kinalaman sa lupa at tinatalakay din ang isyung political.

Ayon kay Police Captain Rose Aguilar, tagapagsalita ng Davao City Police Office, alas-5:10 ng hapon nang magkasunod na barilin ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay sa kilalang Solariega Subdivision sa Barangay Talomo ng nasabing lungsod.

Kakatapos lang ng programa ng mag-asawa sa radyo nang lumabas ang abogada sa bahay at barilin ng pinaniniwalaang sniper.

Narinig naman ng asawa ang putok ng baril kaya agad lumabas subalit tinarget din ito ng suspek.

Hindi nabanggit ng pulisya kung saan ang tama ng mag-asawa.

Ayon pa sa pulisya, noong Hunyo 29, 2019 ay naaresto si Atty. Mahinay Sapie sa kanilang bahay sa kasong illegal possession of firearms. Nakuha umano dito ang isang Baretta 9mm, 1 magazine na may 14 na bala at 2 holsters.

Nakapagpiyansa naman ito at pansamantalang nakalaya matapos makulong ng 2-araw.

Itinanggi nito ang akusasyon at sinabing pangha-harass ang ginagawa sa kanya dahil sa pagtatanggol niya sa karapatan ng mga magsasaka.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.