Una sa Balita

Abo ibubudbod sa bumbunan

0 286

INIHAYAG ng isang opis­yal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na sa halip pagpapahid ng abo sa noo ang isagawa sa Ash Wednesday sa Pebrero 26 ay maaaring ibudbod na lamang ito sa bumbunan ng mananampalataya.

Ayon kay CBCP vice president, Kalookan Bishop­ Pablo Virgilio David, ito ay dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Hindi rin nirerekomenda ang paglalagay ng ‘agua bendita’ sa mga lalagyan sa bukana ng simbahan, sa halip ay hintayin na lamang ang pagwiwisik ng holy water sa mga mananampalataya.

Naunang sinuspinde ang misa at mga gawaing­ pang-simbahan ng Diocese ng Hong Kong at Archdiocese of Singapore dahil na rin sa panganib na dulot ng COVID-19.

Tiniyak naman ng opis­yal na hindi kinakailangang suspendihin ang mga gawaing simbahan sa Pilipinas.

Sa kabila nito, sinisiguro naman ang ilang mga isasasagawang pag-iingat upang hindi na kumalat ang virus.

Ang Ash Wednesday ay taon-taong ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika, na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More