Una sa Balita

Abnormal na buhos ng ulan sa CALABARZON

By
0 122

Nakataas ang heavy rainfall warning sa tatlong lalawigan sa Region 4-A (CALABARZON), ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrono­mical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng weather bureau, alas-nuebe ng umaga nang itaas ang yellow warning level sa Quezon, Bata­ngas at Laguna. Ibig sabihin ng yellow warning le­vel, nakataas ang babala ng abnormal na ulan ang posibleng bumuhos na katumbas ng isang buwan na ulan.

Binalaan din ng weather bureau ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar sa tatlong lalawigan na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Maaapektuhan din ng mahina hanggang sa may kalakasang pag-ulan ang Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Rizal at Bulacan.

Itinaas din ang yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Capiz, Iloilo, Aklan, Antique, Guimaras at Negros Occidental.

Makakaranas din ng moderate hanggang sa may kalakasang pag-ulan ang Catanduanes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy