Una sa Balita

ABL: Urbiztondo, Alab sinuwag ang 5-0 kartada

By
0 565

WALANG matinding bagyo subalit pinaulanan ng San Miguel-Alab Pilipinas ng matutulis na tres ang dumayong Zhuhai Wolf Warriors Linggo ng gabi upang itala ang franchise record na ikalimang sunod na panalo sa pag-uwi ng 105-95 panalo sa pagpapatuloy ng 2019 ASEAN Basketball League (ABL).

Pinaluwag ni Josh Urbiztondo ang sukat ng ring sa pangunguna sa mainit na laro ng mga nagtatanggol na kampeon upang bigyang saya ang mga nanonood at turuan ng matinding leksiyon ang Wolf Warriors sa unang pagkakataon na isinagawa ng liga ang laro sa siyudad ng Cebu.

Ibinagsak ni Urbiztondo ang anim sa kabuuang 16 na tres ng koponan tampok ang apat sa ikalawang yugto kung saan kumawala ang Alab Pilipinas mula sa dikit na 22-19 iskor sa paghulog nito ng kabuuang 37 puntos kontra sa 24 ng Wolf Warriors tungo na sa pagpa­panatili sa tanging malinis na kartada sa ginaganap na torneo.

Kinolekta ni Urbiztondo ang kabuuang 19 puntos kung saan bawat hawak nito sa bola ay isinisigaw ng manonood sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City na isalpak ang tres na isinagawa nito upang itulak ang koponan sa pinakamaganda nitong pagsisimula sa liga.

Ang kabuuang 16 na tres ng Alab Pilipinas ang pinakamarami nito sa ginaganap na torneo upang itulak ang dumayo na Zhuhai pabalik sa hulihang puwesto sa kabuuang 1-9 panalo-talong record.

Nag-ambag din si Ethan Alvano ng kabuuang 21 puntos tampok ang tatlong tres kasama ang pitong assists kung saan nagawa ng Alab na itala ang pinakamalaki nitong abante sa 28 puntos, 85-57, sa ikatlong yugto. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy