Una sa Balita

Abil, Mendrez winalis ang Adamson

0 257

HINAMBALOS ng University of the East (UE) Lady Warriors ang ikatlong panalo sa pamamagitan ng 25-14, 25-19, 25-22 tagumpay kontra Adam­son University (AdU) Lady Falcons Sabado, Abril 13, sa UAAP Season 81 women’s volleyball sa Araneta Coliseum.

Nangalabaw sa atake ng Lady Warriors sina Judith Abil at Mean Mendrez para ibigay sa UE ang pinakamaraming panalo nito sa torneo sa nagdaang pitong taon.

Angat sa 3-9 panalo-talo marka ang University of the East bagaman tanggal na sila sa Final Four picture.

Lubog naman sa 1-1 kartada ang Lady Falcons, na mainit pang sinimulan ang laban kontra UE bago manlamig at pabayaan ang karibal na maghulog ng 15-2 run sa unang set.

Bumangon sa 13-14 pagkalubog ang Lady Warriors sa third frame sa pamamagitan ng limang-puntos na pasabog para kunin ang unahan 18-14.

Naghabol ang Adamson para tumabla 20-all pero nag-error si Chia­ra Permentilla na sinundan pa ng block ni Rose Baliton kay Trisha Gene­sis tungo sa panalo ng UE. ­(Ferguz Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy