Una sa Balita

Aberya sa MRT-3 inaksyunan

By
0 100

Umaksyon na ang Department of Transportation (DOTr) sa sunud-sunod na aberya ng mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 simula nitong Lunes.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez, may mga key performance indicators na dapat matamo muna ng maintenance service provider ng MRT-3 bago payagang makabiyahe ang mga tren nito.

“Ang instruction natin ay i-implement na nila kung ano `yung memo ko noong October 18 at subsequently reiterated to General Manager [Rodolfo] Garcia sometime in February na walang iaakyat na train set hangga’t hindi sine-certify ng maintenance service provider na safely and technically reliable pagdating sa revenue line,” ani Chavez.

Simula umano nga­yong Huwebes ay walang tatanggapin ang transport department ng MRT hangga’t hindi lumalagda ang yard master na tauhan ng maintenance service provider na ang tren na itu-turnover nila na patatakbuhin ay “technically safe and operationally reliable”.

Humingi rin ng paumanhin si Chavez sa nangyari kamakalawa sa MRT-3 na apat na beses nagkaaberya.

Ang Busan Universal Rail Inc., ang maintenance provider ng MRT Line 3 na bumibiyahe sa kabahaan ng EDSA mula Quezon City hanggang Pasay City. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy