Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abby, Pauline swak sa finals

0 65

BAHAGYANG nag-init sina Abegail ‘Abby’ Arevalo at Pauline Beatriz Del Rosario upang makapasok sa weekend play o last round ng 2nd Epson Tour 2022 Leg 8 $200K (P10.4M) 3rd Mission Inn Resort and Club Championship sa Mission Inn Resort & Club sa Howey-In-The-Hills, Florida Sabado (Linggo Manila time).

Kapwa salo sa pang-44 na puwesto sa dalawang ulit na natigil dahil sa ulan na first round sa mga tiniradang one-over par 74, nagsalpak si Arevalo ng one-under par 72 upang umakyat sa 13-way tie sa 31st place sa 146 total.

Wala ng tsansa sa korona ang isa tatlong pambato ng ‘Pinas na iwan na ng 11 hampas sa nasa tuktok pa ring si home bet Gina Kim na nag-69-135 at may two stroke lead kay Maria Fassi ng Mexico (66).

Gayundin ang kakuwadrta sa International Container Terminal Services, Inc. na si Del Rosario kahit kumapit sa 44th dahil sa 73 147 aggregate.

Na-cut na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 74-151 sa paglagay sa 10 magkakatabla sa pang-90 sa 143 kalahok. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.