Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abatan river panalo sa mga turista

0 301

Isang malamig at chill na araw sa lahat ng Ka Trip Mo, Trip ko. Ramdam nyo na ba ang lamig at nakaka-relax na tunog ng ulan sa inyong mga bubungan? Masarap magmuni-muni din sa mga panahong ito, yung tipong nasa kama ka lang at nag babasa ng Abante news on line o di kaya naman katulad nitong column ko.

Tara na at hasain pa natin ang inyong imahinasyon habang ilalakbay ko kayo sa isa na namang mahikang peg na lugar dito sa Pilipinas.

Madalas kapag tayo ay nag-iisip ng bakasyon, dagat agad ang ating naiisip o di kaya ang umakayat sa bundok. Pero ngayon tayo naman ay mag Kayaking sa Abatan River, Bohol kasama ang mga nagliliwanag sa gabing madilim na mga alitaptap.

Lumaki tayong mga Pinoy sa mga fairytales na palabas kaya naman nahuhubog sa ating isipan ang mga magaganda at mala mahikang eksena. Tulad na lamang ng eksenang bihira mo ng makita dito sa mundo dahil nga sa henerasyon natin na nagsulputang mga gusali at mga lugar na na-develop na kaya naman kumokonti na din ang mga hayop o insekto na makikita mo sa mga lugar na over populated na din tulad na lamang ng alitaptap o fire fly.

Pero salamat pa din dahil makakakita pa din tayo ng bulto bultong alitaptap kapag kayo ay pumunta sa kahabaan ng Kayak trail ng mangrove conservation dito sa Abatan river. Payapa at kitang kita mo ang mga magagandang tanawin dito at ang river nila ay tila berde din dahil sumasalamin sa linaw ng tubig ang mga puno at mangrove dito.

Ang river na ito ay tinuturing na pinaka malusog na river ecosystem dito sa Bohol. Makikita din dito ang 32 na iba’t ibang klaseng mangrove species sa buong mundo. At matatagpuan din dito ang endangered man grove specie na Camptostemon na bihira na din makita. At kung kayo nga ay mag Kayaking dito ng dapit hapon o medyo madilim dilim na makikita ninyo ang napakagandang eksena ng mga alitaptap na ninirahan sa mga sangay ng pagatpat na tila bumaba ang mga bituing nag niningning.

Habang ikaw ay nagsasagwan sa kahabaan ng river na ito ay may mga makikita ka ding mga taga dito na kakaway at ngingiti sa inyo kaya naman hindi makakaila na ang Bohol ay tinaguriang charmingIsland sa buong mundo. Ituturo din ng tour guide dito ang mga mangrove na century na ang tagal at madameng bagyo na din ang dinaanan.

Take note lamang po sa mga gustong pumunta dito, maari kayong magdala ng inyong sariling tent para kung gusto ninyo mag -overnight, huwag kayo matakot dahil may maaring gumabay sa inyo dito na isang tour organization na nangangalaga din sa magandang kalikasan na ito. No worries din para sa mga turista dahil 15 minuto lamang ang layo nito mula sa Capitolyo ng Bohol.

Talaga namang makapigil hininga ang ganda ng Abatan River sa Bohol. Bukod sa Kayaking ay maari din kayong umikot sa iba pang tourist spot ng Bohol at mag unlimited sa mga iba’t ibang klaseng seafoods.

Sana dumami pa ang organisasyong mangangalaga sa ating mga likas na yaman dito sa ating bansa upang mapag patuloy pa sa mga susunod na henerasyon ang ganda at pag babalanse ng kalikasan dito sa mundo.

Huwag nyo din kalimutan mga Ka- Abante na mag Like sa aming mga social Media accounts at manood ng mga putok na balita tuwing Lunes-Biyernes alas-syete ng umaga Live sa FB Page ng Abante Radyo Tabloidista ang programang Unang Putok sa umaga at ang programa ng bayan USISERA tuwing Sabado 2-3 ng hapon. Kita kits tayo mga Ka Tabloidista!

Leave A Reply

Your email address will not be published.