Una sa Balita

AbanTEN: Mga Pinoy na namayagpag sa 2018

0 1,223

Ni: Ruel Mendoza

Ilang araw na lang at magtatapos na ang taong 2018, kaya balikan natin ang mga kababayan natin na ating pinagmalaki at nagdala ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng sining.


Ito ay ang mga achievement na na-recognize internationally sa larangan ng pag-arte, musika, paggawa ng pelikula o dokumentaryo at paligsahan sa pagandahan.


Heto ang AbanTEN Pinoy achievers ng 2018…

1.)  Catriona Gray:Pinataob ni Miss Universe Philippines Catriona Gray ang higit na 93 candidates mula sa iba’t ibang bansa in Bangkok, Thailand para makoronohan siya bilang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas. Dati nang naging contestant sa Miss World 2016 si Catriona pero hindi siya nagwagi doon. Hindi nga para sa kanya ang World dahil para sa kanya ang Universe. Kasalukuyang nasa New York City na ito para simulan ang kanyang duties bilang Miss Universe ambassadress.

2.)  Ahtisa Manalo:Ginulat naman ni Miss International Philippines Ahtisa Manalo ang maraming pageant fans sa pag-place niya as first runner-up sa Miss International 2018. Simple lang ang ganda ni Ahtisa pero naging crowd favorite siya sa Japan kunsaan ginanap ang pageant. Kung nanalo siya, pang ikapitong Miss International na sana siya ng Pilipinas.

3.) Jeff Langan:Nag-standout naman ang kakisigan ng Pinoy sa male pageant na Manhunt International dahil nakuha ng ating Manhunt Philippines na si Jeff Langan ang 3rd runner-up. Veteran male model si Jeff at first time niyang sumali sa isang male pageant kunsaan napansin siya. Isang beses pa lang nanalo ang Pilipinas sa Manhunt International at ito ay noong 2012 with June Macasaet.

4.)   Lea Salonga:Kung si Lea ang unang Filipino na nanalo ng Tony Awards in 1992, muli na naman siyang nakauna, this time bilang first Filipino na ma-nominate sa Grammy Awards. Nominated si Lea, kasama ang ang iba pang cast, para sa cast album ng Broadway musical na Once on this Island. Nasa category sila ng Best Musical Theater Album. At mu­ling babalik si Lea sa Once on this Island sa pagsara nito sa 2019.

5.)  Kelsey Merritt:For the first time ay nagkaroon na ng Pinay Victoria’s Secret Angel model sa katauhan ni Kelsey Merritt. Rumampa si Kelsey kasama ang iba pang sikat na VS models sa annual Victoria’s Secret Fa­shion Show sa New York City. Pinuri pa ng Vogue ang pagi­ging fresh face niya sa crowd ng mga veteran VS models.

6.)    Christian Bables:Nanalo bilang best actor si Christian Bables sa 5th Hanoi International Film Festival in Vietnam para sa pelikulang Signal Rock. Hindi inaasahan ni Bables na mananalo siya dahil matindi ang mga nakalaban niya sa kanyang category. Multi-award winning supporting actor na si Bables para sa pelikulang Die Beautiful.

7.)     Maja Salvador, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Gabby Eigenmann:Humakot ng acting awards sina Maja, Miguel, Kyline at Gabby sa naganap na Asian Aca­demy Creative Awards sa Singapore kamakailan. Nanalo sila bilang mga national winner ng Philippines. Best actress si Maja for Wildflower, best actor si Miguel for Kambal Karibal, best supporting actress si Kyline for Kambal Karibal and best supporting actor si Gabby for Contessa.

8.)   Crisanto Calvento at Arden Rod Condez:Nag-uwi ng parangal ang dalawang bagitong director na sina Crisanto Calvento at Arden Rod Condez mula sa 5th Hanoi International Film Festival in Vietnam. Nakuha ni Calvento ang best student director and best student producer. Si Condez naman ay napagwagian ang best student project. Tinawag itong “great win for Philippine Cinema.”

9.)   Zig Dulay:Nauwi ng indie film director na si Zig Dulay ang top prize sa 2018 Vesoul International Film Festival of Asian Cinema in France para sa pelikula niyang Bagahe na tungkol sa isang OFW (Overseas Filipino Worker) na tumakas sa kanyang employer at suspected na nagtapon ng isang bagong silang na sanggol sa basurahan ng sinakyan niyang eroplano.

10.)     Call Her Ganda:
Napanalunan ng documentary film na Call Her Ganda, na tungkol sa misteryosong pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude, ang grand jury prize sa 34th Los Angeles Pacific Film Festival.
Mula sa direksyon ni PJ Raval, tinanghal na Outstanding North American Documentary Feature in the non-fiction feature category ang docu-film tungkol kay Laude.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy