Una sa Balita

AbanTEN: Japan, Korea, Boracay paboritong bakasyunan ng mga artista tuwing Pasko

0 655

Ni: Ruel Mendoza

Ang Pasko ang nagiging pinakabakasyon ng maraming celebrity na buong taong ginugol ang kanilang sarili sa trabaho. Kaya ang mga naiipon nila mula sa trabaho ay ine-enjoy nila sa pagbakasyon nga­yong Kapaskuhan.

Ang ibang mga celebrity ay kung hindi dito lang sa Pilipinas magse-celebrate ng Pasko, sa ibang bansa nila gusto para mapayapa nilang ma-enjoy ang holiday kasama ang kanilang pamilya at iba pang mahal sa buhay.

Kaya heto ang nilista namin bilang AbanTEN favorite holiday destination:

JAPAN:
Simula noong maging maluwag na sa pagbigay ng tourist visa ang bansang Japan, dinayo na ito ng mara­ming celebrity para doon magbakasyon, mag-propose ng kasal at mag-celebrate ng White Christmas. Sa Japan nag-Christmas vacation ang buong pamilya ni Pambansang Bae Alden Richards. Sa Japan din naganap ang gender-reveal ng baby nila Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

KOREA:
Dahil sa kasikatan ng mga Korea­novelas sa Pilipinas, naging paboritong bakasyunan na ng marami ang Korea dahil sa mga lugar kunsaan kinunan ang ilang Koreanovela at ang masarap na pagkain ng mga authentic Korean cuisine. Laging nasa Korea sina Maja Salvador, Bianca King, Yassi Pressman, Maxine Medina, Kathryn Bernardo, Jessy Mendiola at Janice de Belen.

ICELAND:
Noong magkaroon na ng promotional/budget trip sa bansang Iceland, dinagsa na ito ng maraming celebrity natin para doon mag-explore, mag-shoot ng pelikula at mag-photoshoot. Lalong nagkaroon ng interes sa bansang Iceland nang ma-feature ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan. Kabilang sa mga celeb na naransan ang Iceland experience ay sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Joey de Leon, Alessandra de Rossi, Paolo Contis at marami pang iba.

NEW YORK, UNITED STATES OF AMERICA:
White Christmas ang habol ng maraming Pinoy celebrity kapag naisipan nilang lumipad for New York City. Gusto nilang maranasan ang mag-ice skating sa Rockefeller Ice Rink, makatikim ng hot chocolate sa Serendipity II at makapanood ng New Year’s countdown sa Times Square. Mga nakapag-New York vacation na ay sina Dingdong Dantes and Marian Rivera, Julius Babao and Tintin Bersola, Ken Chan, Barbie Forteza, Maine Mendoza, Alden Richards, Kris Aquino, Maxene Ma­galona, Kim Chiu at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

THAILAND:
Matagal nang paboritong holiday destination ng mga artista ang Thailand dahil sa mainit nitong klima, murang bilihin, exotic beaches at mabilisan lang na pagbiyahe. Tiyak na mas marami na ang magbabakasyon ngayon sa Thailand para mapuntahan ang IMPACT Forum Arena kunsaan kinoronahan nilang Miss Universe 2018 si Miss Philippines Catriona Gray. Mga suki na ng Thai vacation na ay sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Louie Heredia, James Reid at Nadine Lustre.

HONG KONG:
Favorite shopping place pa rin ng maraming celebs ang Hong Kong. Bukod sa isang oras lang ang biyahe mula sa Pilipinas, quick getaway ito mula sa hectic na trabaho at maganda na rin ang night life sa Hong Kong kaya ito dinarayo na ng maraming bakasyunis­ta. Mga madalas mag-HK ay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, Ruffa Gutierrez, Xian Lim, Kim Jones and Jericho Rosales, Georgina Wilson, Enchong Dee, Angelica Panganiban at Gretchen Barretto.

PARIS, FRANCE:
Tinawag na City of Lights, City of Love ang Paris na naging sentro ng fashion, arts at romance. Ilang celebrity ang gustong magbakasyon sa Paris para ma-in love sila nang paulit-ulit pa. Mga celebs na naging pugad na ng pag-ibig ang Paris ay sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Megan Young and Mikael Daez, Heart Evangelista and Chiz Escudero, Solenn Heussaff and Nico Bolzico, Anne Curtis and Erwan Heussaff at KC Concepcion.

LONDON, UNITED KINGDOM:
Ang paiba-ibang weather ang siyang unique kapag nagbakasyon ka sa London. Sa isang araw ay mararanasan mo ang init, lamig, ulan at snow. Ito ang magandang experience na hindi mararanasan sa Pilipinas, kaya favorite holiday destination ito nila Manny and Jinkee Pacquiao, Liz Uy, Glaiza de Castro, Alma Concepcion, Liza Sobreno and Enrique Gil.

AFRICA:
Pagkatapos na mag-honeymoon nila Anne Curtis at Erwan Heussaff ng isang buwan sa Africa, partikular na sa Zimbabwe at Zambia, maraming celeb ang gustong maka-experience ng African Safari vacation. Type nilang maranasan ang mag-Glamping at ang maka-face-to-face ang mga gorilya, ele­pante at leon na malayang gumagala sa kanilang natural habitat.

BORACAY:
Iba pa rin ang dating ng Boracay sa maraming celebrity. Noong magsara ito, marami ang nalungkot, pero noong mabukas ito pagkatapos ng ilang buwang rehabilitation ay hindi nagpahuli ang marami na mga suki na ng Bora noon pa tulad ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz, Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, Maxine Medina, Ethel Booba, Alice Dixson, Cristine Reyes, Lovi Poe at Vice Ganda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy