Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abante Radyo Tabloidista anchor pinarangalan ng Trinity University of Asia

0 179

Tumanggap ng parangal si Wil Postolero o mas kilalang si DJ Jigo Jigolo, ng Abante Radyo Tabloidista, mula sa Trinity University of Asia.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Jigo Jigolo ang natanggap niyang Platinum Stallion Media Awards.

“Maraming maraming salamat po: Sa Trinity University of Asia Platinum Stallion Media Awards… ito ang aking kauna-unahang parangal bilang ‘Trinitian Media Practitioner for Digital Media’,” sey ni Jigo Jigolo.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa pinasalamatan niya ang Poong Maykapal, kanyang pamilya, mga kaibigan, tagasuporta, mga guro, ang kanyang Abante family at ang kanyang kabiyak na si Camille Postolero.

“Kayo ang unang nagtiwala sakin at sa kakayanan ko… maraming salamat sa mga oportunidad na ibinibigay niyo sakin… Lahat ng gusto kong “maging” ay natutupad ko dahil sa inyo… makaaasa po kayo na mananatili po akong solid na Ka-Tabloidista… mahal ko po kayong lahat,” aniya.

https://www.instagram.com/p/CIIcg6eMeLs/

Ilan sa mga show ni Jigo Jigolo sa Abante Radyo Tabloidista ang “Jigo Live”, “Talik Talk”, “Mumul” at “Huling Putok sa Gabi”. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.