Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Abante’ pinag-usapan nina Annabelle, Jinkee

0 192

Tinawagan ko si Annabelle Rama noong Wednesday night.

Medyo late na ‘yon, pero sumagot naman si Bisaya (paboritong tawag sa misis ni Eddie Gutierrez).

“Anong balita?” tanong kaagad sa akin ng nanay ni Ruffa Gutierrez.

“Wala lang, malapit nang mag-boarding (bibiyahe kasi ako that night),” sey ko lang.

“Mag-hi ka, kaharap ko si Jinkee (Pacquiao). Naka-speaker phone ako.

“Pinag-uusapan ka namin ni Jinkee. Ikinuwento ko na isinulat mo sa Abante na ang bait ng mga anak at sister niya na nakasama mo sa Amerika,” sunud-sunod na chika ni Bisaya.

Nagdi-dinner daw si Bisaya sa bahay ng mag-asawang Senator Manny Pacquiao at Jinkee.

Birthday kasi ng misis ni Manny that day.

“Patapos na kaming mag-dinner. Nagkukuwentuhan na lang,” sey pa ni Bisaya.

Nag-‘hello’ rin sa amin si Jinkee at napaka-sweet ng birthday girl.

“O, magpaalam ka na kay Jinkee, magpapaalam na rin ako. Uuwi na ako at late na. Manonood pa kami ni Eduardo ng Netflix pagdating sa bahay,” sabi pa ni Bisaya, kaya sey ko na lang kay Jinkee, “Stay nice and sweet.”

Nang makauwi na si Bisaya, tinawagan niya kami.

“Nasa bahay na ako. Nasaan ka ba talaga?” tanong niya na sinagot ko ng, “Pasakay na ng plane. Boarding na.”

“Aalis ka ba talaga?” hirit na naman niya na sinagot ko ng, “Tita, ano ka ba, akala mo ba pina-prank lang kita?”

Anyway, sa tsikahan pa namin, sinabi niyang pinuntahan niya si Jinkee dahil birthday nga nito at ang tagal din nilang hindi nagkita.

Coco, Julia tuloy ang taping sa Ilocos

Sa January 21 pa pala ang first taping day ng mga artistang mauunang mag-lock-in sa cycle 12 ng ‘bubble’ ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa Ilocos Sur.

Ang first batch na kinabibilangan nina Coco Martin at Julia Montes, nakapag-RT-PCR swab test na pala after nilang mag-home quarantine ng ilang araw.

Bukas daw ay may antigen swab test na naman ang lahat bago tutulak pa-Ilocos Sur on Sunday.

Pagdating daw roon, may hotel quarantine na naman at sa January 20 ay may antigen uli ang lahat.

Wala pa lang akong update kung kasama na ba nilang aalis pa-Ilocos Sur ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Pero at least, tuloy naman ang lock-in taping nila kahit medyo na-delay nga ‘yon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.