Una sa Balita

Abante malakas sa Pinoy community sa Florida

By
0 1,668

Naku, Dondon (my dear editor), matutuwa ka dahil sa tuwing ipinakikilala ako ng mga taga-TFC sa mga Pinoy rito, marami sa kanila ang nagsasabing nagbabasa sila palagi ng online edition ng Abante, huh!

Karamihan nga sa kanila ay updated sa mga balita sa Pilipinas dahil daw sa Abante.

Sina Riza Abadia at Fernando Solis nga na mga organizer ng Fiesta Mo Sa Florida 2018 ay nag-request talaga na ilabas ko naman dito sa Abante ang group pictures ng contestants nila na kasama sina Richard, Ginger at Lee Robin.

“Malakas sa Filipino community rito ang Abante online,” tsika pa ni Riza.

O, ‘di ba, nakakatuwa naman, kaya tama talaga sina Sir Rey at Boss Gil na lalong lumalakas ang online edition ng Abante, huh!