Una sa Balita

Abante Christmas party dinagsa ng celeb, politiko

0 432

Pilit ginagaya! Ang saya saya!

Super bongga nga ang naganap na Christmas party ng Abante nitong Miyerkoles, Disyembre 11 sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City.

Taon-taon, pa-bongga nang pa-bongga ang mga pasabog ng Abante para sa espesyal na Christmas party.

Mainit na winelcome ng Abante family si Senator Francis Tolentino na nagbahagi pa ng short message para sa lahat ng bumubuo ng pahayagan.

Ni-recognize nga ni Sen. Tolentino ang araw-araw na paghahatid ng maiinit at tamang balita ng Abante. Ilan pa sa mga government official na dumating ay sina PCOO Sec. Martin Andanar, Cabinet Sec. Karlo Nograles, Navotas Mayor Toby Tiangco at ang staff ni Sen. Win Gatchalian na sina Ms. Ana Mejia at Ms. Javee Algenio.

Nakakatuwa lang dahil every year ay walang palya at hindi pinalalagpas ng young Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang pagdalo sa Christmas party ng Abante.

Dumalo rin sina Annabelle Rama, Jana Victoria, Assunta de Rossi, Paul Salas, Patricia Javier (Noble Queen of the Universe), Beau Singson-Villanueva (Noble Queen Globe), Mojack, Sephy Francisco, at Daren Dyhengco at bumati sa mga empleyado ng Abante.

Ilan pa sa dumalo ay sina Dr. Rylan Flores, Rey Sibayan, John Guarnes, sports idols Jerry Codiñera at Charlie Favis. Maging si SEA Games gold medalist sa MMA na si Mark Mugen.

May bago at bonggang papremyo sa Christmas party ng Abante, gaya ng “Beshie of the Year”, “Awra of the Year”, “Bayani of the Year” at siyempre “Employee of the Year”.

Heto nga ang mga nanalo sa mga nasabing patimpalak at iba pang mga special award:

Awra of the Year: Sucat – Raymonette Samonte; Cubao – Eva Yan; Makati – Risa Divina.

Beshie of the Year: Sucat – Imelda Yabong; Cubao – Ivan Verian; Makati – Mikhil Geroche.

Bayani of the Year: Sucat – John Jerole Salacsac; Cubao – Ariel Jerald Tolentino; Makati – Ray Mark Patriarca.

Mr. Blackwater – Jerome Mortil; Ms. Pinkwater – Jeane Lacorte.

Mr. Dermaesthetic – Alec Paolo Ventocilla; Ms. Dermaesthetic – Khatrina Martinez.

Employee of the Year – Ramon Romero.

Group Presentation Competition winner: Sucat- “Habagat”.

At siyempre, meron ding plaque of recognition para sa mga empleyadong agad rumesponde nang magkaroon ng pag-sunog sa planta ng Abante sa Sucat.

Iyon ay ang mga empleyado na sina Crisesto Cabrera Jr., Manuel Nicolas, Dennis Mahusay, Marivic Estilong, Ramon Romero at Julius Fermia Jr. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy