Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abante Babae: Pia, Catriona, Gloria namamayagpag sa ibang bansa

0 48

Kung sa larangan ng sports ay namayagpag, kahanga-hanga ang husay at tapang nina Hidilyn Diaz (Gold sa Tokyo 2020), Nesthy Petecio, Margielyn Didal, hindi rin matatawaran ang kababaihan sa iba’t ibang larangan.

Kung sa pag-arte, taas noo sina Nora Aunor sa ibang bansa, sa pagandahan naman ay hindi matatawaran sina Gloria Diaz (Miss Universe 1969), Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), Catriona Gray (Miss Universe 2018).

Isama na rin natin sina Margie Moran (Miss Universe 1973), Melanie Marquez, Gemma Cruz, Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao, Janine Tugonon, Kylie Verzosa, Precious Lara Quigaman, Megan Young, at marami pang iba.

Diaz eksenadora sa Netflix

Si Gloria ay hindi tinapos sa pagiging beauty queen ang kanyang buhay, dahil pumasok siya sa showbiz, at hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin makalipas ang mahigit 40 dekada.

Mabentang-mabenta sa harap ng kamera, lalo na sa mga papel na sosyalerang ina. At ang bongga niya, dahil pati sa Netflix series na ‘Insatiable’ na tungkol sa buhay ng mga beauty queen ay umeksena ang kagandahan niya.

Bongga siya, di ba?

Wurtzbach pinakasikat, 12.5M follower sa IG

At siyempre, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ang kasikatan, importansiya ni Pia. Si Pia na nga ang pinakasikat na Miss Universe, dahil sa nangyari sa coronation night noong 2015. Hindi malimutan si Pia, at hanggang ngayon ay iniimbitahan pa rin siya sa iba’t ibang panig ng mundo para maging hurado sa mga beauty pageant, o maging cover ng kanilang mga sikat na magazine.

Pinakamabentang endorser pa rin si Pia sa mga beauty queen ngayon, kahit tapos na ang pagrereyna niya, anim na taon na ang nakararaan.

Sa mga beauty queen, si Pia nga ay may pinakamaraming follower sa Instagram na umabot na sa 12.5M.

Ambassador rin siya ng UNAIDS at WWF (World Wide Fun for Nature) Philippines.

500 estudyante: Catriona pinagkaguluhan sa Nas Academy

At si Catriona, tulad ni Pia, madalas maimbitahan sa iba’t ibang event sa labas ng bansa. At bongga rin na may 12.2M follower na siya sa IG, ha!

At super bongga rin siya dahil heto nga at kinuha siyang ‘teacher’ ng Nas Academy @nasaacademy at sa ngayon ay may 500 estudyante na siya.

Itinuturo nga niya ang mga karanasan niya para makatulong sa mga mga estudyante kung paano ma-build ang self confidence, malampasan ang mga insecurity, at siyempre maging malakas ang loob sa pagbibigay ng opinion o ilabas ang laman ng isip.

Well, iba pa rin ang mga Pinay, di ba? Kaya sabi nga, ABANTE BABAE!

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.