Una sa Balita

Abangan po natin ang Nueva Ecija Besprens

0 345

USAP-USAPAN ngayon sa National Basketball League ang pagbabalik sa team ng Nueva Ecija ni Nanay ‘Doray’ Morales at ang kanyang multi-athlete na anak na si Renan ‘Bespren’ Morales.

Grabe ang charisma ni Madam Doray dahil nung malaman nila na may team si Nanay ay biglang nagsulputan ang mga potential player sa iba’t ibang lugar na napakahirap hanapin.

Naging maayos ang event ng tryouts ni Bespren Renan at sa tulong ng napakasipag at matulungin na si team manager Eman ‘Doc’ San Juan na tubong Natividad, Nueva Ecija.

Siyempre hindi mawawala sa tryout ang boss ng NBL na si Ma’am Rhose Montreal at Edward Aquino na humahawak sa officiating ng liga.

Dating national player si Bespren Renan. Si Bespren ay Councilor sa kanilang bayan ngayon. Siya rin ay napakahusay sa larangan ng golf, basketball player, triathlete din siya at higit sa lahat siya ay Formula 3 car racer.

Lahat ng mga napili sa araw ng tryout ay nabigyan ng t-shirt at meron ding boodle fight para naman sa dinner.

Dumating pa ang crew ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya sa pamumuno nina Paul Vincent Mercado na Central Marketing head at Carlos Santos Jr. na Creative Media and Technical Services manager para kumuha ng video clips, MTV video at mga konting eksena.

Ang layunin ng Team Bespren ay “To Aspire and to Transform” kaya bibigyan ang mga manlalaro ng Nueva Ecija ng pagkakataon na i-represent ang kanilang bayan.

Tulad ng pagiging proud nila dahil sila ay ang tunay na homegrown, pagkaroon ng pagbabago sa kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng disiplina, social skills, makaiwas sa mga masasamang bisyo at tumulong sa mga nangangailangan.

Ang laki ng plano ni Nanay Doray at Bespren Renan sa kanilang mga kababayan.

Abangan ang Nueva Ecija Besprens.

Mabuhay ka Nanay Doray at Bespren Renan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy