Una sa Balita

Abangan ang ‘WeProvide’

0 333

Nitong Biyernes, Marso 6, nag­sama-sama ang young and old ng PBA sa #35 Wilson St. Greenhills sa San Juan City sa ‘WeProvide’ ­photo shoot.

Nagmula ang imbitasyon kay ‘Mr. Excitement’ Bong Alvarez.

Noong una, akala ng grupo baka ginu-goodtime lang kami ni Bong pero nang apat na beses siyang nag-follow up, sabi ko seryoso na ito.

Mabigat ang lineup na endorsers ang kinuha niya literally, una si ‘Big Beau’ Belga, Calvin ‘The Beast’ Abueva, Jiovani ‘Bus Driver’ Jalalon, Jeri­cho Cruz, Vic Manuel, Rodney Santos, John Ferriols, Bong Alvarez, legendary agent boss Danny Espiritu at ang inyo pong lingkod, Jerry Codiñera.

Simpleng photo shoot lang ng products tulad ng iba’t ibang uri ng sabon, gluta, essential oils and resvet.

Tapos sabay demo regarding sa mechanics ng business.

Ito ay isang klase ng networking na may upline, downline, binary type of setup at may chance kang kumita ng milyon kung ikaw ay masipag.

Kaya abangan ninyo mga ka-Abante kapag umikot kami at kapag naglaro ang LEGENDS sa iba’t ibang dako ng Pilipinas para i-promote ang ‘WeProvide’ pro­ducts.

***
Congratulations sa aking napakagandang inaanak na si Alyssa Muhlach Alvarez na naging muse ng SMB sa opening ng PBA.

Congrats din sa six-time MVP na si June Mar Fajardo at kay Thirdy Ravena na pinarangalan sa PSA Annual Awards Night.

Nito namang March 7, Saturday, sa ikatlong pagkakataon ay nanalo ulit ang Nueva Ecija Besprens kontra sa Quezon City sa NBL Cup na ginanap sa San Leonardo Gym, Nueva Ecija.

Napaka-exciting ng laban na hanggang huli ay close game. Tinalo naman ng Pasig ang Zamboanga sa unang laro.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More