Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abangan ang pasabog sa Agosto 5! Lacson, Pacquiao, Sotto may niluluto sa 2022

0 267

Ibinunyag ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mayroon silang mga pag-uusap nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Manny Pacquiao kaugnay sa nalalapit na halalan sa 2022.

“Meron kaming ugnayan kay Sen. Pacquiao ‘di kami naghihiwa-hiwalay, usapan namin si Sen. Pacquiao at Sen. Lacson parehong magpa-file,” pahayag kahapon ni Sotto sa panayam sa DWIZ.

Kasabay nito, inilahad din ni Sotto na mayroon silang iaanunsiyo pagsapit ng Agosto hinggil sa mga plano na may kinalaman sa presidential election.

“Ang plano namin ni Sen. Lacson, officially mag-a-announce kami sa August 5, tentatively. August 5 ang target,” ayon pa sa Senate president.

Sinabi pa ni Sotto na isa kina Lacson ang Pacquiao ang maari niyang maging ka-tandem sakaling tumuloy sa pagtakbo.

Dagdag pa niya, inaasahan nilang mas magiging malinaw ang kanilang desisyon sa mga susunod na buwan dahil magkakaroon pa umano sila ng pulong kasama ang ilan pang kaalyado sa Senado.

“Nag uusap pa kami pero pagdating ng October mas maliwa­nag pa ‘yan, usapan na naming tatlong magkakaibigan kami magkakasama kami sa macho block imi-meeting pa namin ang iba pang macho bloc,” dagdag pa ng senate president.

Nitong Huwebes ay nagkaroon ng isang consultative tour sa ilang mga lokal na pamahalaan sa Luzon sina Lacson at Sotto.

“Marami silang tanong, kadalasan open forum kami, ‘yong mga sagot namin at sinasabi naming programa na nasa isip namin sapol sa pa­ngangailangan nila,” ayon kay Sotto.

Natuwa si Sotto sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanilang inilalatag na mga programa.

“Natutuwa sila. Nakakalakas ng loob,” dagdag nito. (Mia Billones/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.