Una sa Balita

Abangan ang pagbubukas ng Nat’l Basketball League

By
0 566

NAGKAROON ng mall tour nitong August 19, Sunday, sa ikaapat na pagkakataon ang PBA LEGENDS sa San Fernando, Pampanga sa lugar na Vista Mall.

Sa pangunguna ni Miss Rhose Montreal at Referee Edward Aquino.

Nagsidating sina Allan Caidic, Noli Locsin, NORTHPOINT player Ryan Araña at Bal David.

Nagkaroon ng 3pt. shootout kasama ang fans. Pagdating naman sa autograph signing, halos isang kilometro din ang pila sa stage. Marami pa rin nakakilala sa ating mga legend kasama ang kanilang mga kaanak.

Ang susunod na event kung matutuloy ay ang Vista Mall Iloilo kaya abangan natin mga Ilonggo diyan.

***

Nalalapit na rin ang pagbubukas ng bagong liga na pinag-uusapan ngayon na National Basketball League, Halos mahigit 10 teams na rin ang sumali.

Itong liga ay puro homegrown players ang setup at 29 yrs. old ang maximum na edad ng manlalaro. Hindi ganu’n kamahal ang franchise fee na nasa P800K lang.

Three months lang ang duration ng liga at may tsansang maglaro internatio­nally kalaban ang Taipei atbp.

‘Yung mga interesadong sumali sa NBL Cup, hanapin si Miss Rhose Montreal o Edward Aquino sa 0917-626-1832.

***

Mayor Samuel Noel B. Ocampo ng San Luis Batangas, maraming salamat sa pag-asikaso sa aming mga le­gend tulad nila Willie Mil­ler, Gerry Esplana, EJ Feihl, Bobby Jose, Nelson Asaytono at Bong Hawkins nitong August 22, Wednesday.

Nakaharap ng le­gends sa laro si Cong. Abu at ang kanyang mga kasama sa distrito niya.

At kay Miss Bhong Mariano, salamat sa pag-invite sa amin.

Patungo rin ang ibang kasamahan ko sa Marinduque naman para sa isang exhibition game.