Una sa Balita

Abandonadong sanggol nailigtas sa Occidental Mindoro

By
0 275

ISANG sanggol na babae na agaw-buhay ang nailigtas ng mga pulis sa tiyak na kapahamakan noong tanghali nang Sabado sa La Esperanza Subd., Brgy. Mulawin, bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Ayon kay PO3 Cecilio Alvarez, Sr., bandang ala-1:15 nang tanghali nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang pamilya na may natagpuang bagong panganak na sanggol na nakalagay pa sa pulang plastic.

Pagdating ng mga pulis sa lugar ay pinulsuhan nila agad ang sanggol at nang masigurong buhay pa ay agad tumawag ng midwife para maagapan ang buhay ng sanggol.

Nagpapagaling na ngayon ang sanggol sa ospital. Patuloy na inaalam ng mga pulis ang posibleng magulang ng nasabing bata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy