Una sa Balita

Abando, USTe kinatay ang NU

0 255

Balikwas

Nagsilbing pangil ng Sto. Tomas Growling Tigers ang kruyal na 5-of-10 3-point shooting pa-21 points ni Rhenz Abando pa-21 points upang makalmot ang NU Bulldogs aa overtime match, 87-74, sa 82nd UAAP seniors basketball tournament 2019 1st round elims Linggo ng hapon sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Buhol sa 70-all ang regulation play bago pinamunuan ni Abando ang Tigers sa 5-minute extra period para makuha ang ikatlong panalo sa apat na laban, na naging pambawi buhat sa 71-70 defeat sa defending champion Ateneo nitong Miyerkoles.

Umarangkada si Abando sa OT nang magsalpak ng three point shot para makalamang kontra Nat’l U, 76-73, kung saan mula rito’y ‘di na lumingon pa ang USTe na nasolo ang second spot at binaon ang biktima sa ilalim sa 0-4.

May mahalagang kontribusyon din si Chabi Yo para sa España-based dribblers na 23 points, 20 rebounds, 4 assist at 1 steal, habang may anim na boards at dalawang feed pa si Abando sa balik-bangis ng mga bata ni Aldin Ayo.

“Sinuwerte kami sa dulo, we did not play our game sa first three-and-a-half quarters pero buti nag-pick up kami sa last five minutes ng fourth quarter” suma ng USTe coach.

“While our opponents were celebrating, were able to convert and force it to overtime,” panapos niya.

Nabasura ang matingkad na performance sa mga basketbolista ng Bustillos ni Shaun Dave Ildefonso na naka-16 pts., 6 rebs. at tig-i-1-ast., stl. at block. Pati ang 12 puntos ni John Lloyd Clemente na may 7 boards pa. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy