Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abando nambarako: Letran Knights hari ng NCAA

0 59

ISANG tamang desisyon ang napili ni Season 97 Rookie of the Year at MVP Rhenz Abando patungo sa kampeonato nang kunin ng Colegio de San Juan de Letran Knights ang makasaysayang back-to-back title tungo sa pagwalis sa lahat ng laro kabilang ang Mapua University Cardinals sa 75-65 sa NCAA men’s basketball Game 2 Finals kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumana ng double-double performance ang 24-anyos na tubong Sto. Tomas Pangasinan na si Abando na 14 points, 12 rebounds, 2 blocks at 1 assist, kabilang ang 10 puntos sa fourth period para makuha ng Letran ang ikatlong back-to-back title at kabuuang 19th title sa liga.

Hinirang namang Finals MVP si PBA third overall pick Jeo Ambohot na kumana naman ng 13 puntos, 9 boards at 1 block, samantalang naging Coach of the Year si Letran chief tactician Bonnie Tan.

Bumanat rin ng sarili niyang double-double si Louie Sanggalang sa 11 points, 13 boards, 4 assists at 3 blocks, habang mayroong 9 markers at 6 rebounds si King Caralipio.

Napaabot pa ng Letran ang kanilang kalamangan sa 21 puntos, ngunit naging agresibo ang Mapua sa second half nang unti-unti nilang tapyasin ang bentahe sa 10 puntos sa pagtatapos ng third period sa 58-48. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.