Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abando isasahog sa Gilas 5

0 65

NAPUPUSUAN sa listahan ng Gilas Pilipinas si 97th NCAA Rookie of the Year-Most Valuable Player Rhenz Abando ng Letran Knights kasunod ng mga planong kumuha ng mga manlalaro mula sa collegiate leagues ang men’s basketball team bilang paghahanda sa 19th International Basketball Federation 2023 World Cup.

Naging mabisang opensiba ang 24-anyos, Sto. Tomas, Pangasinan high-flyer guard mula sa bench na kumakamada ng mahigit sa 15 puntos, 6 rebounds at mahigit tig-isang assists at shot block kada laro sa katatapos ng liga.

Nauna ng sinabi ni coach Vincent ‘Chot’ Reyes, na posibleng humugot ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA dahil hindi tugma ang iskedyul ng PBA players sa mga panahong may laban ang Pinoy quintet.

Ilan sa maaaring makasama ni Abando sa PH 5 sina Sam Josef Belangel at Dave Ildefonso ng Ateneo, Carl Tamayo at James Spencer ng University of the Philippines, dating De La Salle at Hiroshima Dragonflies ng Japan B.League forward Justine Baltazar at Lebron Lopez, para makasama nina Dwight Ramos at mag-utol na Kiefer at Thirdy Ravena. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.