Una sa Balita

Abando binigyan ni Ravena ng sapatos

0 325

BAGAMA’T natalo sa laban nitong Miyerkoles kontra Ateneo Blue Eagles, 71-70, masaya pa rin si UST Growling Tiger Rhenz Abando.

Matapos ang laban ay nakatanggap si Abando ng Nike Zoom Freak 1s at Jordan Mars 270 mula kay Ateneo ace player Thirdy Ravena.

“Idol, thank you ha,” sey ni Abando nang dumaan si Ravena. “Binigyan niya ako ng sapatos.”

“Nung (PBA) D-League kasi, after ng game namin sa Cignal-Ateneo, tinanong niya kung ano’ng size ng sapatos ko. Ngayon lang niya nabigay,” dagdag pa ni Abando.

“Sobrang nakaka-inspire kasi pinapanood ko lang sila dati sa TV tapos kalaro ko na ngayon. Gusto ko talagang sabayan,” wika pa ni Abando. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy