Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abalos swak sa DILG

0 85

Kumpiyansa ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mapangangasiwaang mabuti ni incoming DILG Secretary Benhur Abalos ang ahensiya sa pagsisimula ng bagong administasyon.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni DILG Undersecretary Epimaco Densing sa harap ng napipintong pag-upo ni Abalos sa ahensiya sa June 30, 2022.

Ayon kay Densing, malawak na ang karanasan at kaalaman ni Abalos sa pagpapatakbo sa local governance dahil naging alkalde ito at naging chairman ng Metro Manila Development Authority.

“Lagi namin ‘yan kasama sa Local Government Academy ng DILG, so alam na alam na niya ang mga patakaran, pagpapatakbo ng DILG. More or less, ang kailangan na pang nating gawin, i-update siya sa mga kasalukuyang program na ginagawa natin na kailangan niyang ipagpatuloy,” ani Densing. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.