Una sa Balita

Abalos Road to Triple Crown Race sa Linggo

0 288

ILANG tulog na lang at masisilayang muli ang mga tigasing kabayo sa ­darating na Linggo sa pagdiriwang ng Mandaluyong Liberation Day Racing Fest 2020 sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Atat din ang mga karerista na mapanood naman ang mga batang kabayo na tampok sa nasabing event na Mayor Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race kung saan anim ang kasali.

Sila ay sina Heneral Kalentong na rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo, Maysilo na sasakyan ni AR Villegas, Lucky Savings na papatungan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jessi B. Guce, Parokya Ni Paolo na gagabayan ni AS Pare, Radio Gaga na rerendahan ni star jockey Jontahan B. Hernandez at Westpointer na dadalhin ni class A jockey JA Guce.

Mga future champion ang mga kasali, magtatagisan sa bilis sa distansyang 1,600 meter na may guaranteed P750,000 cash prizes, ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More