Una sa Balita

Abalos may pinapaboran sa bonus

0 346

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang incentive scheme ng Pamahalaang Lokal ng Mandaluyong dahil tila kinakawawa nila ang mga traffic personnel.

Ayon sa COA, mas malaki kasi ang nakukuhang bonus ng mga administrative staff at unit head kumpara sa mga traffic enforcer.

“Considering that the Traffic Enforcers were the ones manning the streets of the City in whatever situa­tion, they got lesser incentives compared to the other recipients of the reward instead of providing/giving them additional benefits due to the nature of their work,” ayon sa 2018 annual audit report.

Noong April 6, 2017, pinagtibay ng City Government of Mandaluyong ang Ordinance No. 659, s. 2017, para mabigyan ng insentibo ang City Traffic and Parking Management Department (TPMD) personnel bilang pagkilala sa episyente at epektibo nilang trabaho.

Sa ilalim ng ordinansa, ang traffic enforce ay makakatanggap dapat ng 12% ng total collection mula sa traffic fines at penalties. Ang unit head at administrative staff naman ay tatanggap ng 5%.

Subalit natuklasan ng COA, ang average na natatanggap lang ng traffic enforcer ay P24,059.22 samantalang ang head ng enforcement unit ay P177,580 at P51,844 naman sa administrative staff.

“Hence, it appears that the reward system being employed by the City is not equitable,” diin ng COA.

Nangako naman ang TPMD na susunod sa rekomendasyon ng COA na baguhin ang incentive scheme upang magkaroon ng pantay na bigayan ng bonus.

Ang alkalde ng Mandaluyong noong 2016 hanggang Hunyo 2019 ay si Carmelita Aguilar-Abalos. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy