Una sa Balita

Abad, Garin puwedeng kasuhan sa dengue vaccine

By
0 185

Maaaring sampahan ng kasong technical malversation sina da­ting Health Secretary Janette Garin at da­ting Budget Secretary Florencio Abad dahil sa kanilang partisipasyon sa pagbili ng P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccine, ayon kay Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito.

Sabi ng senador, ang nasabing halagang ginamit sa vaccination program ay hindi bahagi ng General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2015.

“Ang lahat ng dapat pagkakagastusan o lahat ng programa ng ating pamahalaan, dapat merong appropriations na galing sa Kongreso. At dito, malinaw na malinaw na wala ang purchase of dengue vaccine,” pahayag ni Ejercito sa panayam ng dzBB.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon at health committees noong Huwebes, napag-alaman na ang pondong ginamit sa nasabing programa ay nagmula sa Miscellaneous Personnel Bene­fits Fund (MPBF) at Pension Gratuity Fund (PGF) savings.

“Wala pa ang approval at hindi pa sila sigurado kung pwede na ang dengue vaccine. So noong nagkaroon ng go signal eh saka nila pinurchase,” ani Ejercito.

“Pero sa akin, kahit saan mo tingnan, ‘yan ay technical malversation kasi nga walang appro­val ng Kongreso, walang appropriations ang pagbili ng P3.5 billion worth of dengue vaccine,” dagdag ng senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy